Sunday, February 23, 2014

My Own Version of the so-called Hearts Day.

This has got me thinking.  I want to start this tradition every Valentines Day. 

I wrote a short summary of Love Stories on how couples, non-couples, strangers and what-might-have-beens spend the their Valentines Day. (My mind only produced 6). Just sharing. 

The Not-So Prom Queen. 



The Irony of a Joyride. 



The Valentine Vamp. 



The Scene Stealer. 



The Caramel Frap Girl. 



The Wasted Party Animal. 


Six Girls who dreamt of a perfect valentines day. The first pretended to have a perfect one.  The second, ended up in tragedy. The third created her own perfect moment. The other landed on a perfect moment unexpectedly. The fifth spent it with tears in her eyes. And the last, still at a loss, blinded by her perspective of a true love that fades after party. 

What do you think? :)

Tuesday, February 4, 2014

Excitement wearing out, Fear sinking in.

First Grey Post for 2014.

Lagi akong walang kumpyansa pagdating sa mga desisyon. Kadalasan, alam ko ang gagawin ko kapag may nakausap akong super positive at naniniwalang kaya kong magawa ang isang bagay. Ewan ko ba. Serious case na ang pagiging gullible ko. Mas madalas namang malakas ang loob ko pero kapag sumasagi sa isip ko bawat araw ang mga naggaawa kong desisyon. Mas lumalaki din ang doubt. Ang fear. Sabi ng editor ko, excitement sometimes is mistaken as fear. Naniwala ako. Naniniwala pa din sa matalinhagang sinabi na yun ni kuya earl noong isang linggo. Naniwala ako sa encouraging words ni stan at borgy. Hanggang ngayon din naman. Pero aaminin ko habang nirerecall ko ang exam na yun mas nababawasan naman ang kumpyansa ko sa sarili ko. Gusto na ayaw ko ang maghintay. Gusto ko kasi there is always something new to look forward to. Ayaw ko naman kasi, kung di maganda, bakit papatagalin pa? Dahil mahirap sa akin mag move on. Tumatanda na ako. Risks are becoming dumb moves. Di ko na dapat ginagawa ito. Dapat iniisip ko pera pera na lang. Para settled na ako, maaga pa kaming yayaman. Bakit kasi di maubos ubos ang pag-asa ko. Dahil ba taga pag-asa subdivision ako (waley!) hay ang hirap maghintay. Nakakatense. Nakakaguilty ang mga sinagot ko sa exam sa tuwing naaalala ko mga nilagay ko dun. Dahil sinulat ko ang pakiramdam ko ay totoo. Hindi ang tama. Pero may mali at tama ba sa creative exam? Baka depende siguro sa magiiscreen ng sinulat ko. 

Hindi ako well versed. Hindi ako wide reader. At hindi ako nakakaranas pang sumulat ng film script. Ang alam ko lang gusto ko to. Ni hindi ko nga alam magconstruct ng love story. Eh pero bakit gusto ko magtrabaho sa ganitong industriya? Siguro kasi feeling ko creative naman ako kahit papano. May nakikita ako na baka di nila nakikita. Lahat kasi binibigyan ko ng meaning? O sadyang emo lang ako na lahat kelangan bigyan ko ng feeling? Pero diba ganun naman mga bagay kadalasan? Di mangayyari kung walang meaning? 

Ang gulo gulo ng isip ko. Patumpik tumpik na tong nangyayari saken. Parang daan ako ng daan sa pamilyar na kalyeng to, pero wala pa din akong idea kung ano makikita ko sa dulo. 

Kelangan ko na ba mag u turn at magsettle sa pera pera na lang? Bakit ba ang bigat ng 2014 na to. Nakakabaliw magisip ng marami. Mga netchaii na walang ginawa kundi magsunog ng braincells. 

Hayyy. Gusto ko na pong matapos to. Dahil alam ko sa 2014 kailangan lahat ng malalaking desisyon magawa ko. Panindigan ang pangarap? O pera pera na lang? 

Please mga netchaii. Wag muna magisip. Tulungan nyo na lang ako magdasal. 

Gusto ko yumaman at tumandang mayaman pero gusto ko din masaya. Pwede naman siguro yun ipagsabay diba?

Jusko Lord, tulungan nyo po sana ako. Maawa po kayo sakin.  

Introspection

Sa masaya marami kang kasama. Pagdating sa lungkot at problema ika'y naiwang mag isa. Tatakbo ka. Gusto mong may takbuhan. Pero wala, ...