Sunday, March 10, 2019

Introspection

Sa masaya marami kang kasama. Pagdating sa lungkot at problema ika'y naiwang mag isa.

Tatakbo ka. Gusto mong may takbuhan. Pero wala, sarado lahat ng pintuan. Sinubukan mong sumigaw humiyaw dahil malapit ka nang bumitaw pero wala, mag-isa ka sa pamilyar na lugar na ngayon para kang naliligaw.

Dahil walang kaibigan, walang maiyakan, walang makausap, walang malapitan.

Ang dating maingay na kalye. Masayang buhay, nung nawalan ng kulay, lahat sila parang namatay.

Akala ko dati hawak ko ang isang espesyal na lugar sa puso mo pero wala, mali ako. Pader pa din pala, madilim gaya ng iba, ang kinalalagyan ko, di makapasuk pasok dyan sa mundo mo.

Mabuti naman ako. Oh sige masama na nga. Pero ikaw, mabuti ka ba? Akala ko dati, abot kamay kita. Hanggang ngayon pala, sang libong yabag, sanglibong dipa, kahit mamatay ako sa kakahingal, hinding hindi makakalapit, dahil sinigurado mo ang iyong distansya.

Paano nga ba? Sabi ko. Paano nga ba dahil pati ako, kung ituring mo parang isang trabaho. Matapos lahat ng kailangan, sabihin ang gusto namin marinig na magpapasaya sa lahat. Ikaw ay babalik sa mundo mong di ko kailanman makikilala o maiintindihan.

Ginusto kong maging isang kaibigan pero lahat kayo, ang galing mang iwan. Pero bakit ako nanunumbat? Bakit ako nagagalit? Eh tingin mo naman sakin walang binatbat, pabigat, pasakit?

Wala na tong pag-asa. Sabi ko, wala na to. Kahit gusto ko sabihin walang nakikinig, bingi ang mga tao.

Bingi sa madilim, bingi sa komplikado. Bingi sa mga problema, lalo na sa tumatakbo sa ulo mo.

Ikaw? Paano ka babangon? Eh wala ka naman mahawakan para makatayo? Tiisin ang sakit tiisin ang hapdi, tiisin lahat para sarili ay kayanin.

Gegewang gewang, wala pa rin makapitan. Wala na ba talagang taong kayang lapitan? Siguro nga ikaw. Ikaw, ang sarili mo. Oo, ikaw, kayanin mo lahat to.

Hayaan mong dumaloy lahat ng luha, malay mo sa luha mahugasan lahat ng pagdurusa.

Isipin mo na lang, ikaw ay ikaw. Kakayanin mong mag- isa dahil wala na eh, lahat sila pumanaw.

Takot ka man para sa bukas, harapin mo ng natitira mong lakas. Dahil ikaw lang ang magmamahal sa sarili mo ng wagas.

Tiisin mo ang hapdi na dala ng hinaharap. Tiisin mo lahat. Lahat ng hirap. Sa huli ikaw lang matatakbuhan ng sarili mo. Dahil wala yang lahat ng tao kung hanggang sa huli sila ang inaasahan mo.

Yaan mo na, ganun talaga ang buhay. Lahat ng tao may angking sablay. Iba ka nga lang dahil alam mo lahat ng to. Ang ibang tao pag di pabor sa kanila, wala ka nang kwentang tao.

Sablay, sablay kailan sasaya? Tumingin ka kasi sa loob mo, hayup ka. Ikaw lang at ikaw ang magkaramay sa mundong 'to. Wala nang ibang handang tumanggap sayo. Hanggang sa huling hininga mo, yakapin mo ang sarili mo. Ikaw hindi sila. Ikaw hindi siya ang aabot ng pangarap mo.

Introspection

Sa masaya marami kang kasama. Pagdating sa lungkot at problema ika'y naiwang mag isa. Tatakbo ka. Gusto mong may takbuhan. Pero wala, ...