Thursday, January 7, 2016

Just My 2 Cents

hindi ka naman sisigawan kung magaling ka. pupuriin ka pa kung magaling ka talaga. kung wala ka palang talent, bakit ka nagpadala sa girlfriend mo at umextra ka? tapos magagalit ka at magdedemand ng apology dahil nasigawan ka? 

Hindi lahat ng tao bigla ka na lang mumurahin just because ito na ang industriya. may mga rason ang mga bagay bagay. its just that sumalang ka sa gera na wala kang sandata. diba unfair naman sa production yun? hindi lang naman puro paganda at puro artista at puro glamour ang industriyang ito. people work hard just to provide quality entertainment. totoo talagang this industry is not for the weak, actually susubukan ka pa nya how far you can go. 

Kaya kung inakala mong madali lang mag extra, nagkakamali ka. dapat alam mo na yan para tinanggihan mo na ang pag-extra in the first place. at huwag mong iexpect na uupuan ka at mag heart to heart talk kayo kung bakit di mo magawa-gawa ang eksena. this industry doesn't have the luxury of time. mabilis lahat ng nangyayari kaya kung gusto mo ng respeto, dapat inalam at nirespeto mo din ang mundong pinasok mo. 

No comments:

Post a Comment

Introspection

Sa masaya marami kang kasama. Pagdating sa lungkot at problema ika'y naiwang mag isa. Tatakbo ka. Gusto mong may takbuhan. Pero wala, ...